Mga laro ngayon:
(Passi City, Iloilo)
5 p.m. – TNT vs Rain or Shine
TULAD ng inaasahan ay magaan na dinispatsa ng San Miguel Beer ang wala pang panalong Columbian, 143-119, upang iposte ang ikalawang panalo sa tatlong laro sa PBA Governors’ Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Mistulang pinagpraktisan ng Beermen ang Dyip para sa kanilang paghahanda sa laro kontra sister team at reigning Commissioner’s Cup champion Barangay Ginebra sa Set. 23 sa Big Dome.
Lumamang ang SMB, 107-84, sa third period, at walang awang pinaglaruan ang Columbian upang ipalasap sa Car Makers ang ika-6 na sunod na kabiguan sa lungkot ni rookie coach John Cardel.
“I reminded my players to play their usual game and not underestimate the opponent,” sabi ni San Miguel Beer coach Leo Austria.
Nagpakita ng pagtutol ang Columbian sa unang dalawang quarters at kusang bumigay sa third canto nang hindi na makayanan ang mainit na opensa ng Beermen na gumawa ng 23 of 48 sa rainbow area, pito kay Arwind Santos at anim galing kay Marcio Lassiter, at kumalawit ng 54 rebounds at 40 assists.
Pitong SMB players ang tumipa ng double digits, sa pangunguna ni Santos na may 29 points, habang gumawa sina Marcio Lassiter ng 28, Filipino-German Christian Standhardinger ng 21, Arizona Reid ng 16, Kelly Nabong ng 14, Alex Cabagnot ng 12, at Von Passumal ng 11.
Umiskor si import Akeem Wright ng 22 points, subalit hindi nakakuha ng solidong suporta mula sa kanyang teammates maliban kay Jackson Corpuza na kumana ng 28 points.
Huling natalo ang Columbian sa Talk ‘N Text, 114-118, bago yumuko sa reigning Philippine Cup champion SMB. CLYDE MARIANO
Iskor:
San Miguel (143) – Santos 29, Lassiter 28, Standhardinger 21, Reid 16, Nabong 14, Cabagnot 12, Pessumal 11, Ross 7, Heruela 5, Mamaril 0, Vigil 0.
Columbian (119) – Corpuz 28, King 22, Wright 22, McCathy 18, Khobuntin 7, Escoto 6, Cabrera 5, Reyes 2, Celda 2, Gabriel 2, Cahilig 2, Sara 2, Tubid 1, Ababou 0.
QS: 34-26, 64-66, 107-84, 143-119
Comments are closed.