Mga laro ngayon:
(Mall of Asia Arena)
10 a.m. – NU vs Ateneo
12 noon – DLSU vs AdU
4 p.m. – FEU vs UP
6 p.m. – UE vs UST
SA UNANG pagkakataon magmula nang hawakan ni coach Ramil de Jesus ang dynastic La Salle program noong 1999, walang miyembro mula sa kasalukuyang roster ang nakatikim na ng UAAP women’s volleyball championship.
Maaaring isa itong hamon sa grupong ito ng Lady Spikers, subalit para kay veteran Jolina dela Cruz, nais lamang niyang ipagpatuloy ang winning tradition ni De Jesus.
“Yung pagiging senior matagal na po naming na-embrace kasi new generation ‘yung team namin e so wala dito ‘yung mga ate namin na nakapag-champion,” sabi ni Dela Cruz.
“Walang nakaranas ng championship sa amin so kami, mga bago, kailangan mas buo ‘yung loob namin ngayon every game,” anang open spiker.
Galing sa four-set season opening win laban sa titleholder Ateneo, target ng La Salle ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Adamson ngayong alas-12 ng tanghali sa Mall of Asia Arena.
Pinataob ng Lady Spikers ang rebranded Blue Eagles, 22-25, 25-23, 25-18, 25-20, noong Huwebes, kung saan nagpamalas si Dela Cruz and company ng pambihirang mental toughness para makabawi mula first set loss.
Sa iba pang laro ay puntirya rin ng National University ang win No. 2 kontra Ateneo sa 10 a.m. matinee, kung saan mapapalaban si Eagles’ ace spiker Faith Nisperos sa kanyang dating teammates sa unang pagkakataon.
Maghaharap naman ang University of the Philippines at Far Eastern University sa alas-4 ng hapon, habang magsasalpukan ang University of Santo Tomas at University of the East collide sa alas-6 ng gabi.
Winalis ng Fighting Maroons, sa pangunguna nina first-year players Alyssa Bertolano at Irah Jaboneta ang Lady Warriors, 25-19, 25-23, 25-23, noong Huwebes upang samahan ang Lady Spikers, Lady Bulldogs at Tigresses sa maagang liderato.