Mga laro sa Miyerkoles:
(Mall of Asia Arena)
4:30 p.m. – TNT vs NorthPort
7 p.m. – Alaska vs NLEX
HINDI na kinailangan ng Blackwater ang extra period sa pagkakataong ito upang maitakas ang 118-110 panalo laban sa Columbian at manatiling walang talo sa PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Araneta Coliseum.
Sinimulan ang conference sa pamamagitan ng back-to-back overtime victories, tinapos ng Elite ang laro sa regulation sa likod nina Alex Stepheson at Ray Parks upang umangat sa 3-0 at kunin ang solong liderato.
Nanatili namang walang panalo ang Dyip sa tatlong laro.
Nagbuhos si Stepheson ng 26 points, 21 rebounds at 7 blocks, habang nagdagdag si Parks ng 23 points, 5 rebounds, 5 assists at 2 steals.
Naghahabol ang Columbian sa isang puntos lamang, 105-106, wala nang apat na minuto ang nalalabi, nang magsanib-puwersa sina Stepheson, Parks at Mac Belo para sa 10-0 run na nagselyo sa panalo ng Elite.
Kumana si Stepheson ng limang sunod na puntos, naipasok ni Parks ang dalawang free throws bago naisalpak ni Belo ang isang three-pointer sa huling 45 segundo ng laro.
Tumapos si Belo na may 19 points, 8 rebounds at 2 steals mula sa bench, habang nagdagdag sina Allein Maliksi ng 19 points at Roi Sumang ng 11 points at 3 steals para sa Elite.
Muling nanguna si Kyle Barone para sa Columbian sa kinamadang 21 points, 14 rebounds, 5 assists at 2 blocks, subalit hindi ito sapat upang mabigyan ng panalo ang kanyang koponan.
Nagdagdag si Rashawn McCarthy ng 20 points, 6 rebounds, at 4 assists, nagtala si top rookie CJ Perez ng 17 points at 7 rebounds, at umiskor sina Glenn Khobuntin at Reden Celda ng tig-10 points para sa Dyip.
Iskor:
Blackwater (118) – Stepheson 26, Parks 23, Belo 19, Maliksi 19, Sumang 11, Digregorio 9, Tratter 5, Al-Hussaini 2, Javier 2, Alolino 2.
Columbian (110) – Barone 21, McCarthy 20, Perez 17, Khobuntin 10, Celda 10, Camson 7, Cabrera 6, Escoto 6, Faundo 4, Calvo 4, Cahilig 3, Corpuz 2.
QS: 28-26, 57-54, 89-79, 118-110.