Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Phoenix vs Columbian
7 p.m. – NLEX vs Magnolia
SISIKAPIN ni injured Olu Ashaolu na muling buhatin ang NLEX sa pagsalang ng Road Warriors sa kanilang ikatlong laro sa anim na araw sa PBA Governors’ Cup.
Makaraang malusutan ang TnT Katropa at NorthPort sa kabila ng kakulangan sa tao, tatangkain ng Road Warriors na idagdag ang Magnolia Hotshots sa talaan ng kanilang mga biktima sa salpukan ng dalawang koponan ngayong alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Maglalaro si Ashaolu para sa koponan sa huling pagkakataon kung saan nakatakda siyang palitan ni Aaron Fullerton para makapagpagaling siya mula sa patella partial tendon tear na kanyang iniinda bago ang simula ng conference.
Si Fullerton, naglaro para sa NLEX sa parehong torneo noong nakaraang taon, ay dumating sa bansa kahapon.
Sa kabila ng iniindang injury ay pinangunahan ng 30-anyos na si Ashaolu ang NLEX sa back-to-back wins para sa maagang solong liderato.
Walang masabi si acting coach Jojo Lastimosa kay Ashaolu kundi papuri.
“Olu is awesome. He’s defying doctors’ advice,” wika ni Lastimosa patungkol sa masipag na import, na may average na 30 points at 18 rebounds sa dalawang laro.
Muling masusubukan si Ashaolu laban kay dating Best Import Romeo Travis ng Magnolia sa kanilang debut game.
Pinangunahan ni Travis, ang dating high school teammate ni NBA superstar LeBron James nang makopo ng St. Vincent-St. Mary ang national championship noong 2003, ang Alaska sa finals ng 2015 Governors Cup subalit winalis ng San Miguel Beermen.
Subalit, ang 33-year-old import na isa na ngayong naturalized Macedonian, ay galing sa championship sa 2018 Pro A kasama si Le Mans, kung saan itinanghal din siyang Finals MVP.
Sasalang ang Magnolia na wala si top gun Paul Lee, na kasaluku_yang nasa Jakarta, Indonesia para sa 2018 Asian Games, kasama sina NLEX coach Yeng Guiao at veteran big man Asi Taulava.
Comments are closed.