(3-1 O 2-2?) Hotshots reresbak; Aces tatabla

aces and hotshot

Laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

7 p.m. – Magnolia vs Alaska

(Magnolia abante sa serye, 2-1)

MAITABLA kaya ng Alaska Aces ang serye sa 2-2 o makalapit ang Magnolia Hotshots sa korona sa kanilang best-of-seven titular showdown sa PBA Governors’ Cup ngayon sa Araneta Coliseum?

Nakatakda ang bakbakan sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang muling dadagsain ng fans ng dalawang koponan ang Big Dome.

Tinalo ng Aces ang Hotshots, 100-71, kung saan umiskor si Mike Harris ng game-high 33 points, sa Game 3 noong  Linggo upang pigilan ang tropa ni coach Chito Victolero na makalapit sa titulo.

Dinaig ni Harrris si Romeo Travis sa kanilang personal duel at determinado itong mu­ling mangibabaw sa kanilang match up.

Sa panalo ay nabuhayan si Alaska coach Alex Compton sa kanilang title campaign makaraang malubog sa 0-2.

“The win bolstered the morale of my players. They are in high spirit and  energized,” sabi ni Compton na target ang unang titulo sa PBA.

Ang Alaska ang may pinakamaraming titulo sa PBA na may 11, kasama ang grandslam noong 1996 sa ­ekspertong gabay ni coach Time Cone na ngayon ay mentor ng Barangay Gi­nebra. Nang lisanin ni Cone ang Aces ay hindi na ito nag-uwi ng korona at lagi pang nasisibak.

Muling pangu­ngunahan ni Harris ang opensiba ng Alaska katuwang sina Chris Banchero,  Simon Enciso, Kevin Racal, JV Casio, Jeron Teng, Vic Manuel, Chris Excimi­niano, Nonoy Baclao at Sonny Thoss.

Aminado naman si Victolero na biglang nawala sa focus ang kanyang mga bataan subalit umaasa siyang babalik sa porma ang Hotshots sa Game 4.

“We played disorganized game. Our offense and defense did not compliment each other. We made poor shots selection and lapses into a maze of errors,” wika ni Victolero.

“Game 4 is another game. We’ll bounce back. We have to get our act together and consolidate our efforts. Travis will get back to his usual form and deliver the needed points like he did in the first two games of the playoff,” dagdag pa ni Victolero.

Inaasahang babawi ang deadly frontline nina Paul Lee, Marc Anthony Barroca, Jio Jalalon, Justine Melton at Rome dela Rosa, kasama sina Rafi Reavis at Ian Sangalang na babantayan ang shaded lane.

CLYDE MARIANO

Comments are closed.