3-1 SA ROCKETS, WARRIORS

NAGPASABOG si Kevin Durant ng 38 points nang igupo ng Golden State Warriors ang New Orleans Pelicans, 118-92, at kunin ang 3-1 bentahe sa  Western Conference semifinal series  noong Linggo sa Smoothie King Center.

Maaaring tapusin ng defending NBA champion Warriors ang serye sa pag-host sa Game 5 sa Martes ng gabi.

Nagdagdag si Stephen Curry ng  23 points, umiskor si Klay Thompson ng 13 at gumawa si Quinn Cook ng 12 mula sa bench para sa  Golden State.

Tumipa si Anthony Davis ng 26 points at 12 rebounds upang pangunahan ang Pelicans, na sinikap na ipatas ang serye matapos ang 119-100 panalo noong Biyernes. Nagposte sina E’Twaun Moore ng 20 at Jrue Holiday ng 19.

Bumuslo ang Golden State ng 48.4 percent mula sa floor, kabilang ang  33 percent sa 3-pointers, habang nagtala ang New Orleans ng 36.4 percent, kasama ang 15 percent lamang sa 3-pointers.

Mabilis na pinalobo ng Warriors, umabante ng hanggang 18 points sa first quarter bago nagkasya sa seven-point halftime lead, ang kalamangan sa pagsisimula ng third quarter. Kinumpleto ng 3-pointer ni Curry ang opening 10-2 run na nagbigay sa Golden State ng 71-56 bentahe, dalawang minuto na lamang ang nalalabi sa second half.

Nakalapit ang Pelicans sa 11 points bago naitarak ng Warriors ang 23 kalamangan at kinuha ang 94-73 advantage matapos ang tatlong yugto.

Kumpara sa Game 3, mas mainit ang naging simula ng ­Warriors.

Bumuslo ang Golden State ng 60 percent at nagtala ang New Orleans ng 29 percent sa first quarter, na natapos na abante ang Warriors sa 37-22.

“KD and Steph were more strategic,” wika ni Warriors coach Steve Kerr.  “They already know: Stars have to be stars in the playoffs. Steph and KD don’t need to be told that, but my job as a coach is to try to help them strategically. So I talked to both of them about how I thought they could attack and create better shots, and we just did a much better job executing offensively tonight as a group.”

Rockets 100, Jazz 87

Kumamada sina Chris Paul at Clint Capela ng double-doubles at humataw sa depensa ang bumibisitang Houston Rockets upang maitakas ang 100-87 panalo kontra Utah Jazz at angkinin ang 3-1 lead sa Western Conference semifinals.

Maaaring wakasan ng Rockets ang best-of-seven series sa Game 5 sa Martes sa Houston.

Habang miserable ang ­shooting ng Rockets mula sa perimeter – nagmintis ang ­Houston ng 28 sa 38 3-point attempts – si Paul ay umatake sa midrange,  tumapos na may game-high 27 points, idag­dag pa ang 12 rebounds, anim na assists at dalawang steals. Isang turnover lamang ang kanyang nagawa sa kanyang ika-33 kaarawan.

Ipinagpatuloy ni Capela ang kanyang series-long domination kay Jazz center Rudy Go­bert, sa pagposte ng 12 points, 15 rebounds, 6  blocks at 2 steals. Umiskor si James Harden ng 24 points sa 8-of-22 shooting.

Nadepensahan nang husto ang Jazz kung saan bumuslo ang koponan ng series-worst 38.6 percent, kabilang ang 7 for 29 sa 3-point attempts.

Nanguna si Donovan ­Mitchell para sa Utah na may 25 points subalit bumuslo ngb 8 of 24 mula sa floor. Nagdagdag si Joe Ingles ng 15 points at 8 boards at kumabig si Gobert ng 11 points at 10 boards ngunit nagtala ng game-worst minus-27 rating sa wire-to-wire win ng Rockets.

Ang Houston ay umabante ng hanggang 19 points.

Comments are closed.