3.4M TURISTA DUMAGSA SA PINAS

Department of Tourism

MAHIGIT sa 3.4 million na turista mula sa buong mundo ang dumating sa bansa sa unang limang buwan ng taon, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 9.76% kumpara sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

“The numbers are very encouraging. From 3,178,984 tourists recorded from January to May in 2018, we are already close to breaching the 3.5-million mark this year. This only shows that the preservation of our environment can go hand in hand with economic gains,” wika ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon sa ahensiya, ang Korean visitors ang may pinakamalaking bilang ng tourist arrivals sa bansa na may 788,530, sumusunod ang mga turista mu-la sa China, US at Japan.

Nasa top 10 international visitors din ng Filipinas ang mga turista mula sa Taiwan, Australia, Canada, United Kingdom, Singapore, at Malaysia.

Naitala ng Filipinas noong 2018 ang pinakamalaking bilang ng tourist arrivals, kung saan may 7.1 million foreign tourists ang bumisita sa bansa sa kabila ng six-month closure ng Boracay Island.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.