BULACAN – NASAKOTE ng mga operatiba ng Philippine National Police Anti — Cybercrime Group (PNP–ACG) ang tatlong indibidwal na sangkot sa aborsyon o naglalaglag ng sanggol sa Bocaue.
Batay sa report, isa sa naaresto ay ang 53 – anyos na aborsyonista at dalawa niyang katulong na (pansamantalang di binanggit Ang MGA pangalan) nag-aalok ng serbisyo gamit ang social media sa halagang P15,000.
Sa ulat, naaresto ang mga suspek sa loob ng bahay sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG).
Ayon kay PNP-ACG spokesperson Police Lieutenant Walken Arancillo, mismong ang mga suspek ang nagmi-message at nag-aalok ng serbisyo sa mga random account.
Kakasuhan ang tatlong naaresto ng paglabag sa Medical Act of 1959 na may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012.
EVELYN GARCIA