3 ARAW BAGO IKASAL, KANO INATAKE SA PUSO

INATAKE SA PUSO

SA HALIP na sa simbahan ay sa sementeryo dumeretso ang isang American national  matapos na atakihin sa puso, tatlong araw bago ang kasal sa kanyang Pinay na kasintahan sa Paco.

Dead on arrival sa Ospital ng Maynila si Zachary Mathew Scott, 36-anyos, chemist at huling nanuluyan sa Leez Inn, Nakpil corner Angel Linao Street Paco.

Sa report ni Det. Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-homicide section, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa nabanggit na hotel.

Dumating ang biktima  sa Filipinas noong Enero 20 para samahan ang kanyang fiancée na si Jennifer Baloran, sa isasagawang interview ng United States Embassy sa Enero 22.

Ayon kay Baloran, mula ng mag check-in sila sa hotel ay nakaramdam na umano ng pananakit ng dibdib at hirap sa paghinga ang biktima, pero sinabi naman nito na kaya niya ang nararamdaman at magpapahinga lamang siya sandali.

Noong Enero 21 ng umaga makaraang lumabas ng hotel ay muling nanakit ang dibdib ng dayuhan at nang lumabas siya para bumili ng tubig ay ina-take na ito.    PAUL ROLDAN

 

Comments are closed.