3 BANGKA PINATAOB NI HABAGAT, 25 NILAMON NG DAGAT

bangka

PUSPUSAN ang pagdarasal ng kaanak ng siyam na katao na nawawala sa pagtaob ng tatlong bangka sa karagatang sakop ng Guimaras na hindi mapabilang ang mga ito sa 25 na nasawi sa nasabing trahedya bunsod ng masamang panahon o ng Habagat noong Sabado.

Sa datos ng Police Region Office-6, 55 katao ang naisalba sa nasabing sea tragedy.

“As of noon ng August 4, umakyat na sa 25 ang nasawi, anim (na lumaon ay 9 na) ang nawawala,” ayon kay PRO-6 spokesperson Police Lt.Col. Joem Malong.

Dagdag pa ni Malong sa unang insidente na naganap bandang alas-12:30 ng tanghali na kinasasangkutan ng M/B ChiChi,  12 ang nasawi, 25 ang survivors.

Sa pangalawang insidente na kinasasangkutan ng M/B Kezia na naganap bandang alas-3:00 ng hapon nasa 13 ang patay kabilang ang isang menor at nasa 20 ang survivors.

Sa kabuuan ay 86 ang kabuuang bilang ng mga pasahero mula sa dalawang bangka at 13 ang crew.

Sa 25 nasawi, 13 biktima ang hindi pa nakikilala habang ang 12 ay tukoy na ang pagkaka­kilanlan.

Samantala, alas-11:00 ng umaga kahapon, ilang team ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) elite team mula sa Regional Crime Laboratory ang nagtungo sa Dumangas Hospital para magsagawa ng documentation sa mga labi ng biktima.

Comments are closed.