3-BUWANG FISHING BAN

FISHING BAN-2

NAGBIGAY na ng abiso ang mga awtoridad hinggil sa pagpapairal ng tatlong buwang fishing ban sa karagatan ng Visa-yas.

Ipinaliwanag ni Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) – Region 6 Director Engr. Remia Aparri na nagsisimula na ang breeding season ng mga isda at magtatagal hanggang Pebrero.

Nabatid na nakapaloob ito sa Fisheries Administrative Order 167-3 kung kaya hindi maitutu­ring na ilegal.

Bukod sa paghuli ng isda, may market ban din sa mga pantalan at palengke para matiyak na hindi sardinas, mackerel at herrings ang uri ng isdang mahuhuli ng mga ­mangingisda.

Ayon sa BFAR, magpapatrolya sila sa mga karagatan at paparusahan ang mga lalabag.

Parusang pagkakakulong, multa at kanselas­yon ng fishing permit ang kakaharapin ng mga pasaway na mangingisda.  BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.