3 CHINESE LOAN SHARK SYNDICATE MEMBERS TIKLO

Loan Shark

MAYNILA – TATLONG Chinese na inaakusahang nasa likod ng pagdukot sa kanilang kababayan ang inaresto ng pulisya noong Linggo sa Sta. Ana.

Sa ulat ng PNP-Anti Kidnapping Group, kinilala ang mga suspek na sina  Qui Xia Lin, Lu Wen Wen, at Sun Hoa Tian na hinihinalang kasapi ng loan shark syndicate.

Ang tatlo ay itinuro ni Li Jun, na nakatakas nang malingat ang mga nagbabantay kaya nakahingi ng tulong sa mga pulis.

Noong Biyernes ay unang nadakip ng mga pulis ang walong mga hinihinalang kasapi ng isang Chinese loan shark sydicate na nasa likod din ng pagdukot sa mga kapwa nila Tsino na nagkaroon ng malaking pagkakautang sa sindikato matapos na matalo sa sugal sa mga naglipanang casino sa bansa.

Ang  walo,  kasama ang kanilang Filipino driver ay inaresto matapos nilang tangkaing dukutin umano ang isang kababayan sa Ninoy Aquino International Airport.

Aminado ang pamunuan ng PNP na lumolobo ang kaso ng kidnapping incidents na kinasasangkutan din ng mga Chinese simu­la nang dumagsa ang mga Chinese tourist at mga Chinese worker sa bansa. VERLIN RUIZ

Comments are closed.