TATLONG close contacts ng isang overseas Filipino worker (OFW), na unang natukoy na infected ng India variant, ang nagpositibo na rin sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang Laging Handa briefing.
“As to the case number 2, the 58-year-old male from UAE [United Arab Emirates], meron po tayong verified na 32 close contacts doon sa eroplano at tatlo po sa kanila ay positive,” ayon kay Vergeire.
Aniya, ang specimen ng isa sa naturang tatlong close contacts na nagpositibo sa virus ay isinasailalim na sa whole genome sequencing habang patuloy pa nilang nilo-locate ang dalawang iba pa.
“Pina-submit na po natin sa whole genome sequencing ‘yung isang sample at ‘yung sa dalawa ay hinahanap po natin, nilo-locate po ‘yung dalawang individuals,” ani Vergeire.
Samantala, ang 28 pa naman sa 32 close contacts ay nagnegatibo na sa virus, habang ang datos ng isa pang pasahero ay biniberipika pa sa database ng DOH.
Sa kabilang dako, sinabi ng DOH na mayroon namang anim na close contacts ang isa pang OFW na mula sa Oman at natukoy na infected rin ng India variant ng COVID-19.
Sa anim na ito, tatlo na ang nagnegatibo sa COVID-19 habang tinutukoy pa umano nila ang tatlong iba pa.
“’Yung tatlo hinahanap pa ho namin sa database dahil ‘di nagma-match ang mga pangalan na nasa manifesto [ng flight details],” paliwanag ni Vergeire.
Matatandaang una nang kinumpirma ng DOH na may dalawang lalaking OFW na nagpositibo sa India variant ng COVID-19.
Kapwa magaling naman na ang mga naturang OFWs at ngayon ay nasa Soccsksargen at Bicol na.
Tiniyak naman ng DOH na ang mga naturang seafarers ay wala nang naging ibang close contacts maliban sa mga kapwa nila pasahero sa eroplano, dahil kaagad naman silang nai-quarantine pagdating sa bansa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
103585 318522I recognize there is undoubtedly a fantastic deal of spam on this weblog. Do you want aid cleansing them up? I could support in between classes! 587959
716597 186862You produced some decent points there. I looked on the internet for that concern and located most individuals goes along with along along with your internet web site. 625701
93325 332904 very good post, i certainly adore this website, keep on it 373891