3 DAYUHAN TIMBOG SA FAKE DOCS, DROGA

NAARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese National na wanted sa kanilang bansa dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians na si Amritpal, 30-anyos at Pritpal Singh, 24-anyos na tinangkang sumakay sa Tiger Air patungong Singapore nitong Oktubre 6.

Ayon kay Manahan, si Lai ay nagpakita ng Turkish na may pangalan na Lai Bulut gayundin ang kanyang Special Investor’s Resident Visa (SIRV) card subalit nang beripikahin ang kanyang travel history at dokumento, nalaman na si Lai ay may summary deportation order na inisyu noong Abril 2021 dahil sa paglabag sa kanyang pamamalagi sa ilalim ng Philippine Immigration Act of 1940.

Nalaman din na si Lai ay wanted ng Taiwan Police Attache dahil sa paglabag sa Anti-Illegal Drug Act.

“He tried to evade prosecution for his crime by using his Turkish passport, but his plan was foiled by our officers who were very thorough in checking his records,” pagkaklaro ni Manahan.

Samantalang si Amritpal at Singh ay inaresto dahil sa pagkakaroon ng passport na may pekeng Philippine entry visas, visa extension stickers, at arrival stamps.

“These attempts to use visas and stamps to clear immigration inspection are futile. Our officers undergo rigorous training to detect dubious documents, ” ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco. PAUL ROLDAN