BULACAN – PATAY ang tatlo umanong drug pushers makaraang makipaglaban sa mga pulis sa San Jose Del Monte City sa buy bust operation sa Brgy. San Manuel kahapon ang madaling araw.
Sa report ni Lt.Col.Orlando Castil Jr. kay Acting Provincial Director P/Col. Emma Libunao, ganap na alas-12:25 ng madaling araw nang makatunog ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksiyon at dito na naganap ang biglaang pamamaril ng isa sa tatlong suspek.
Kinilala ang isa sa mga napatay na si Jay-ar Borromeo, habang kinilala lamang sa alyas Liit at alyas Jr.ang kasama nito.
Nabatid na dati nang may record sa illegal drugs ang mga napatay na suspek.
Nakuha naman ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang caliber 38 revolver, isang improvised shot gun (sumpak) at isang improvised hand gun ( sumpak) na kargado ng cal. 3, buy bust money at 30 plastic sachets ng shabu at isang tricycle na walang plaka na umano’y ginagamit ng tatlo sa ilegal na gawain. THONY ARCENAL/MARIVIC RAGUDOS
Comments are closed.