CAVITE – UMAABOT sa P115.6k halaga ng shabu ang nasamsam sa tatlong notoryus drug courier makaraang isagawa ang anti-drug operation sa bahagi ng Nazareth Compound sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Suzette “Nanay” Vitar y Diaz, 57; Edgardo Tobio y Froilan, 49, construction worker; at si Aurelio “Jerry” Alister y Repolyo, 50, jeepney driver, pawang nakatira sa nabanggit na lugar at nasa drug watchlist ng pulisya.
Sa police report na nakarating sa Camp Pantaleon Garcia, nakumpiska sa mga suspek ang 17 gramo na shabu na may street value na P115, 600.00 habang narekober din ang P200 marked money at mga drug paraphernalia.
Isinailalim na sa chemical analysis sa PNP Crime Laboratory Office sa Imus City ang nasamsam na shabu habang pina-drug test at physical examination ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. MHAR BASCO
Comments are closed.