NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tatlong dayuhan dahil sa pagdadala ng mga bogus na dokumento.
Sa impormasyon mula sa BI, na-intercept ang mga dayuhan sa magkakahiwalay na pagkakataon sa NAIA Terminal 2 at terminal 3.
Dalawa sa mga naaresto ay Chinese national at ang isa ay African national.
Nag-iingat umano ng pekeng Canadian visa ang mga Chinese habang bogus ang passport ng African na si Mohamed Keita.
Kinilala ni BI Travel Control and Enforcement Unit, (TCEU) chief Maria Timotea Barizo ang isa sa mga Chinese national na si Sonny Tamayo Liang na nahuli sa NAIA terminal 3 noong Setyembre 3 pagbaba mula sa kanyang flight galing sa Bangkok.
Hindi pinayagan ng BI na makapasok sa bansa ang African dahil hindi niya maipaliwanag ang kanyang layunin sa pagpunta sa Filipinas.
Nasa BI detention facilities sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang tatlo at kasalukuyang pinoproseso ang deportation or-der laban sa mga ito. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.