3 GUN FOR HIRE BULAGTA SA ENCOUNTER

patay

BATANGAS – PATAY ang tatlong lalaki na umano’y miyembro ng gun for hire makaraang mapalaban sa mga pulis noong Sabado ng gabi sa bayan ng Santo Tomas.

Sa sketchy report mula sa Police Regional Office (PRO 4-A), under surveillance na ang tatlo nang mangyari ang ­engkuwentro.

Habang nagmamanman umano ng mga pulis, nakita nila na armado ang tatlo, kaya tumawag na sila ng backup.

Ayon sa mga pulis, pinakiusapan pa raw nila ang tatlo na sumuko na, ngunit hindi umubra.

Dito na nagka-putukan at napatay ang tatlong mga lalaking ina­alam pa ang pagkakakilanlan.

Ayon kay Police Brigadier General Edward Carranza, PNP Calabarzon regional director, may ulat ang homeowners na  mayroong kalalakilan na pumapasok sa isang bahay ng alanganing oras at pinaniniwalaang armado ang mga ito.

Hindi naman masabi pa ni Carranza kung sangkot ang tatlo sa pagbebenta ng droga.

Sinasabing may nakuha pang listahan ng umano’y target ang mga napaslang na mga lalaki.

Samantala, wala namang nasugatan sa hanay ng pulisya sa nasabing operasyon. EUNICE C.

Comments are closed.