ZAMBALES – INAALAM ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang tunay na katauhan ng tatlong Japanese na una nang hinihinalang mga treasure hunter na dinakip ng Zambales PNP matapos na maaktuhang naghuhukay ng tunnel sa Capones Island.
Ayon sa Zambales Provincial Police Office, bukod sa tatlo, mayroon ding 14 na Pilipino na kinuha nilang katulong ang nahaharap sa kaso.
Kinilala ang mga naaresto na sina Domyo Ukari, 56; Shinchi Kawano, 44; at isang 15-anyos na binatilyo dahil sa tangkang paghuhukay malapit sa isang lighthouse sa Brgy. Pundakit, kilalang surfing spot sa Zambales.
Sa pagsisiyasat, hindi masabi ng mga dayuhan ang rason ng kanilang paghuhukay kasama ang mga Pilipinong sina Morie Eizo, Lloyd Marlo Cerezo, Arnold Argel, Rexy Maycong, Gregorio Domingo, Effer Tolentino, at Rodrigo Castro.
Kasama rin sa mga naaresto sina Luis Cerezo, Lymar Cerezo, Reggie Maycong, Noel Flores, Jason Ebalane, Espiridon Gumacao, at Ronald Gonzales.
Nilinaw naman sa lokal na pamahalaan na hindi nila binigyan ng permit ang naturang grupo upang makapaghukay sa naturang lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.