3 KARGADOR NG PALAY DINUKOT NG 2 LALAKI

DINUKOT

ISABELA – BLANGKO pa rin ang pulisya kung ano ang motibo kung bakit ang tatlong pahinante ng kiskisan (rice mill) ay dinukot ng mga hindi pa nakikilang lalaki na armado umano ng mahahabang baril na lulan ng dalawang sports utility vehicle.

Sa imbestigasyon ni Staff Sgt. Rogelio Corpuz ng PNP Aurora, nakilala ang mga dinukot na sina Alfredo Francisco, 36, Hill Gasingan, residente ng District 3, Caua­yan City, Isabela, at Joseph Alisin, residente ng San Isidro, Cauayan City.

Ayon sa mga kasamahan ng tatlong dinukot na pahinante, mahigit sa 10 kargador ng palay na nagkakarga ng mga nakasakong palay sa isang 10-wheleer truck sa isang rice mill sa bayan ng Aurora nang dumating umano ang da­lawang van na lulan ang may walong kalalakihan na pawang nakahawak ng mga mahahabang baril na naka- bonnet.

Ipinag-utos ng mga lalaki na sila ay dumapa saka tina­ngay ang tatlo.

Mabilis namang inatasan ni P/Lt. Col, Mariano Rodriguez, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng blocking force sa lahat nang maaring daanan ng mga dumukot sa tatlong pahinante ng palay. IRENE MORALES

Comments are closed.