3 KATAO HULI SA ILLEGAL LOGGING

illegal logging

ISABELA – Bagsak sa kulungan ang tatlong kalalakihan matapos na mahulihan ng ilegal na pinutol na kahoy sa Brgy. San Juan, Ilagan City,  Isabela.

Nakilala ang tatlong suspek na sina Michael Simangan,  30,  may-asawa,  driver,  Wilfred Pacorsa, 37,  binata at Bernard Baysa, 30, may-asawa at kapwa residente ng Brgy. Capellan, Ilagan City, Isabela.

Nang makatanggap ng ulat, agad na nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang pamunuan ni PSupt. Rafael Pagaliluan, hepe ng PNP Ilagan City at narekober ang 350 board feet na sakay ng hyundai grace van

Sa kabila ng pinaigting na kamapanya ng illegal logging ni PENRO Marlon Agnar ng Isabela ay wala silang palalampasin lalo’t umiiral pa rin ang total log ban sa bansa.

Agad na kinumpiska ang mga kahoy ng walang maipresentang permit mula sa DENR kung kayat agad na sinampahan ng kasong PD 705.            REY VELASCO