(3 knockdowns nalusutan vs American foe) TKO WIN KAY MARCIAL

NANATILING walang talo si Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Marcial bilang isang professional fighter, matapos ang fourth-round stoppage kay American foe Isiah Hart Sabado ng gabi sa Las Vegas (Linggo ng umaga sa Manila).

Nalusutan ni Marcial ang tatlong knockdowns upang gapiin si Hart sa fourth round ng middleweight match sa Virgin Hotels Las Vegas, makaraang ihinto ng referee ang laban.

Umangat ang Filipino fighter sa  2-0 sa kanyang pro career, kung saan ito ang kanyang unang knockout win. Una niyang tinalo si Andrew Whitfield sa kanyang professional debut noong December 2020.

Si Marcial ay bumagsak sa first round ngunit agad na nakabangon, at dalawang beses sa second round bago ginulantang si  Hart sa pamamagitan ng counter left hand na yumanig kay Hart at nagtulak kay referee Raul Caiz Jr. na itigil ang laban sa  47-second mark ng six-round bout.

Si Hart ay lamang sa iskor na 29-26 sa lahat ng scorecards nang itigil ang laban.

Nahulog si Hart, may malaking height advantage kay Marcial, sa 6-3-1 sa kanyang career. CLYDE MARIANO