ILOCOS SUR – WALA nang buhay nang iahon ang tatlong magkakaibigan kabilang ang dalawang high school students na nagkatuwaang maligo sa ilog sa Barangay San Antonio, Narvacan.
Sa report ng Navarcan-PNP kinilala ang isa sa mga biktima na si Ibrahim Agdulmajeed, anak ni Abdulwahid Abdulmajeed.
Bigla umanong napadpad sa malalim na bahagi ng ilog sina Ibrahim at mga kaibigan nito at nagsimulang malunod.
Nagawa namang makaahon ng isa at mabilis na nakatakbo upang humingi ng saklolo.
Samantala, natanawan sila ng tiyahing si Samiah kaya lumusong din ito sa tubig para sagipin sana sila pero maging siya ay nalunod din.
“Hindi nila napagtanto na sa bahaging iyon pala malalim,” sabi ni Lt. Rogelio Ragasa ng Narvacan Police.
Walang foul play sa insidente kaya’t agad namang inilibing ang mga labi ng biktima alinsunod sa paniniwalang Islam. VERLIN RUIZ
Comments are closed.