CAVITE – TATLONG high-value target (HVT) na drug couriers ang makumpiskahan ng P88.4 milyong halaga na shabu sa inilatag na magkahiwalay na buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng pulisya at Phil. Drug Enforcement Group (PDEG) sa magkahiwalay na lugar sa Bacoor City, Cavite noong Linggo ng hapon.
Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Bino Sampaloc, Javier Mala, at Mia-Ato Macarampat y Didatoon na pawang nakatira sa Phase 2 Citta Italia Subd. Barangay Mambog 2, Bacoor City, Cavite.
Base sa police report na naisumite sa Camp Pantaleon Garcia, unang nasakote sina Sampaco at Mala sa harapan ng fastfood chain sa Brgy. Molino 2 sa nasabing lungsod habang si Macarampat naman ay naaresto sa kanyang bahay sa Block 1 Lot 32 Phase 2 Citta Italia Subd.
Ayon kay P/Lt. Col. Joel Estaris, nasamsam kina Sampaco at Mala ang 5 kilong shabu na nasa 5 malaking vacuum sealed plastic na ibinalot sa tea bag at may street value na P34M habang narekober naman ang P4M marked money na ginamit sa drug operation.
Narekober naman kay Macarampat ang 8 kilong shabu na ibinalot sa 8 large vacuum sealed plastic na inilagay sa tea bag at may street value na P54.4M.
Pinaniniwalaang magkakasama ang tatlo sa drug trade syndicate kung saan isinailalim sa sila sa drug test at physical examination habang pina- chemical analysis sa Provincial Crime Laboratory ang shabu na gagamiting ebidensya sa pagsasampa ng kasong paglabag sa RA9165. MHAR BASCO
Comments are closed.