3 MORTAR BOMB NAREKOBER

RIZAL- TATLONG mortar o vintage bomb ang narekober ng awtoridad sa magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito.

Ayon sa ulat na tinanggap ni Rizal PNP Provincial Director Col. Dominic Baccay, ang dalawang 81 mm bomb ay natagpuan ni John Carlo Bardel habang nagtatabas ng saging sa Sitio Kapatagan, Brgy., Pinugay, Baras, Rizal.

Samantala, ang ikalawa naman ay natagpuan sa bayan ng San Mateo ng grab driver na si Eduard Castillo.

Ayon sa opisyal, agad na humingi ng saklolo ang mga ito sa Rizal Provincial Explosives and Canine Unit (PECU) at kasalukuyan itong sinusuri ng mga awtoridad.

Agad naman nilagay sa ligtas na lugar ang mga bomba na natagpuan na pinaniniwalaang maari pa itong sumabog. ELMA MORALES