ILOILO – ARESTADO ang tatlong indibiduwal sa Barotac Nuevo, Iloilo matapos umanong tumanggap ng pera kapalit ng boto sa darating na halalan.
Kinilala ang mga nahuli na sina Rolly Tolin, Leticia Cataluña at Robert Araquil, mga residente ng Brgy. Poblacion Ilaya.
Ayon kay Capt. Kenn Albert Lepsia, hepe ng Barotac, Nuevo-PNP, na nakuhanan ang tatlo ng mga sobre na naglalaman ng tig-P1,000.
May kasama rin umano itong listahan ng mga botante.
Sa ngayon kinukumpirma na raw ng pulisya ang ulat na galing sa kampo ng mga Biron at Garin ang pera.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Electoral Reforms Act ang tatlong naaresto. PILIPINO Mirror Reportorial Team