TATLONG Filipino para-athletes ang nakakuha ng puwesto sa Tokyo Paralympics.
Ayon kay Philippine Paralympic Committee secretary general Walter Torres, sina wheelchair racer Jerrold Mangliwan, discus thrower Jeanette Aceveda, at swimmer Gary Bejino ay binigyan ng bipartite slots na nagpormalisa sa kanilang Paralympic stints.
Ang Bipartite Commission Invitation ay isang qualification method para sa para-athletes na hindi nagkaroon ng pagkakataong magkuwalipika para sa Paralympics dahil sa “extraordinary circumstances.”
Nahigitan ni Mangliwan, nasa kanyang ikalawang sunod na Paralympic appearance makaraang sumabak sa 2016 Rio Games, ang Paralympic qualifying standard time sa 400-meter T52 wheelchair race sa 2021 World Para Athletics Grand Prix na idinaos noong nakaraang buwan sa Nottwil, Switzerland.
Naabot din ni Aceveda, na inaasahang lalahok sa women’s F11/12 discus throw event sa Tokyo, ang Paralympic qualifying standard time sa isa sa kanyang mga torneo.
Sinabi pa ni Torres na binigyan din ang Filipinas ng dalawang bipartite slots, isa sa bawat gender, sa para-athletics.
Samantala, nakopo ni Bejino ang bipartite slot makaraang makatugon sa minimum Paralympic qualifying time sa kanyang silver medal finish sa men’s S6 200-meter individual medley event ng 2018 Asian Para Games
Sinabi ni coach Tony Ong sa CNN Philippines na sasabak din si Bejino sa 400-meter freestyle, 100-meter backstroke, at 50-meter butterfly S6 events sa Tokyo.
Sasamahan ng tatlo sina swimmer Ernie Gawilan at taekwondo jin Allain Ganapin sa Tokyo Paralympics na nakatakda sa Aug. 24-Sept. 5.
368995 729961Someone essentially assist to make severely posts I may well state. That is the really 1st time I frequented your web site page and so far? I surprised with the analysis you made to create this specific submit incredible. Magnificent task! 493708