DAVAO CITY – TATLONG paslit na naitalang nawawala ang natagpuang walang buhay sa Dalampasigan ng South San Juan, Agdao.
Halos nasa limang oras ang naging paghahanap sa tatlo na nagsimula noong Abril13.
Kinumpirma naman ng Philippine Coast Guard District Southern Mindanao ang pagkasawi ng mga biktima.
Kinilala ang biktima na sina alyas Johanne, 4-anyos, Gabrielle, 7-anyos at Alexis, 7-anyos na pawang mga residente sa nabanggit na lugar.
Ayon sa pulisya, hapon nitong Sabado nang biglang mawala ang mga bata.
Nang hindi mahanap ng kanilang mga kaanak, dumulog na sila sa mga awtoridad upang makahingi ng tulong.
Dagdag pa ng mga kaanak malayo naman umano ang dagat sa kanilang tahanan kaya hindi nila akalaing marating ito ng mga bata. EUNICE CELARIO