3 PASLIT,1 PA BIKTIMA NG PAPUTOK

paputok3

TATLONG bata na at isang lalaki ang nabiktima ng paputok, sa ikalawang araw pa lamang ng isinasagawang monitoring ng Department of Health (DOH) sa fireworks-related injuries (FWRI) sa bansa para sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Batay sa inisyung FWRI #2 ng DOH, nabatid na mula 6:00 ng umaga ng Disyembre 21 hanggang 5:59 ng umaga ng Disyembre 23, 2019 ay umaabot na sa apat ang nabiktima ng paputok.

Kabilang dito ang isang batang babae, na apat na taong gulang lamang; isang 10-taong gulang na batang babae; isang 10-taong gulang na batang lalaki at isang 23-anyos na lalaki.

Tatlo sa kanila ay nagtamo ng blast/burn injuries without amputation habang ang isa ay nagtamo ng eye injury o sugat sa mata.

Anang DOH, ang mga biktima ay nagtamo ng sugat mula sa legal at illegal na paputok, gaya ng boga, baby rocket, kwitis at hindi tukoy na uri ng paputok.

Dalawa naman sa kanila ang aktibong gumamit ng paputok kaya’t nasugatan habang ang tatlo sa insidente ay naganap sa lansangan.

Sinabi ng DOH na mas kaunti ang naturang bilang ng 50% o apat na kaso, kumpara sa walong FWRI cases na naitala nila sa kahalintulad na petsa noong nakaraang taon.

Nabatid na ang mga kaso ay mula sa Regions 1 at 6, Calabarzon, at National Capital Region. ANA ROSARIO      HERNANDEZ

Comments are closed.