CEBU-NASABAT at nailigtas sa posibleng kapahamakan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang tatlong Filipina workers na umanoy biktima ng human trafficking at nagpanggap na mga turista patungong Vietnam.
Sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang tatlong biktima na hindi pinangalanan ay tinangkang sumakay ng Royal Air flight patungong Hong Kong.
Pahayag ni Tansingco na ang mga nasabat na biktima ay nagpakilala sa primary inspection na mga turista para sa apat na araw na biyahe sa Hongkong na sa bandang huli ay inamin na mayroon silang ticket patungong Vietnam upang sumailalim sa pagpoproseso ng isang kumpanya na ini-refer ng kanilang kausap.
Ang mga biktima ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking para matulungan at imbestigahan.
“It is crucial for aspiring overseas workers to undergo the right processes, secure the appropriate documents, and be cautious of schemes that exploit their vulnerability,” he said. “Remain vigilant and always seek the help of authorized agencies, especially amid the influx of international passengers who will be vacationing during the holidays,” ayon kay Tansingco. PAUL ROLDAN