3 PINOY NANANATILI SA GAZA

TATLONG Pinoy ang nananatili sa war-torn Gaza City sa kabila ng pagpapatupad ng mandatory evacuation ng Philippine government sa ilalim ng Alert Level 4, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

“We’d like to correct something we’ve been saying. We’ve been saying all Filipinos have been evacuated to the south.

There are apparently still three Filipino nationals in Gaza City, including a father and child who are in the hospital.

So, that’s a concern,” pahayag ni DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo de Vega sa panayam ng ANC.

Itinaas ng DFA ang Alert Level 4 sa Gaza City noong October 15 sa gitna ng ground offensive ng Israeli forces laban sa Hamas militants doon.

“Everywhere is critical… Of course, the southern part is where it’s supposed to be safer but our kababayan themselves say they’re hearing airstrikes. It’s not as bad as the northern Gaza,” ani De Vega. Tiniyak ni Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos noong Martes na nananatiling ligtas ang 136 Pilipino sa Gaza na naipit sa bakbakan ng Israel at ng Hamas habang hinihintay ang kanilang repatriation.

Siinabi ni De Vega na sa Israel ay nawawala pa rin ang dalawang Pilipino -ang isa ay Israeli passport holder, habang ang isa ay hinihinalang ginawang hostage.

Sa kasalukuyan ay 59 OFWs, kasama ang dalawang sanggol, ang nakauwi na sa Pilipinas mula sa Israel.

Ayon sa DMW chief, isa pang batch ng repatriates ang inaasahang darating ngayong Huwebes.