KALINGA-TATLONG kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) at isang babaeng guro ang kabilang sa 15 katao na nagpositibo sa COVID-19 matapos i-swab test noong Biyernes sa Tabuk City sa lalawigang ito.
Base sa ulat ng City Health Office ((CHO), ang 3 kadete ay dumating sa Tabuk City noong Agosto 8, bago muling bumalik sa PMMA sa bayan ng San Narciso, Zambales noong Agosto 21 ay isinailalim sa swab test ang mga ito kung saan nagpositibo sa COVID -19.
Kasalukuyang nagsasagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng 3 kadete na may edad 18 ng Barangay Lacnog; 19-anyos ng Purok 3, Barangay Bulanao Norte; at 21-anyos ng Barangay Ipil kung saan may 11 katao na ang nakontak na sinasabing direktang nakasalamuha ng mga kadete.
Samantala, ang 21-anyos na babaeng guro ng Damsite, Bado Dangwa na isinailalim sa swab test noong Agosto 26 ay positibo rin sa COVID-19 matapos makaramdam ng panlalamig at pag- ubo.
Gayundin, isinailalim na rin sa swabbing test ang 12 katao na nagpositibo din sa virus noong Agosto 26, 2020.
Dahil dito, ipinag-utos ng mga opisyal ng public health na lahat ng nagpositibo sa COVID-19 ay kailangang dalhin sa Temporary Treatment ang Monitoring Facility- City Isolation Unit sa Agbannawag.
Subalit,yung ibang may sintomas ng virus ay dadalhin sa Kalinga Provincial Hospital. MHAR BASCO
Comments are closed.