3 PULIS NASISIBAK KADA ARAW DAHIL SA KATIWALIAN

Pulis

CAMP CRAME – KINUMPIRMA ni PNP Chief, Gen. Archie Francisco Gamboa na tatlong pulis ang nasisibak sa serbisyo araw-araw dahil sa katiwalian.

Ginawa ni Gamboa ang pahayag sa kanyang Thanksgiving party sa Camp Crame.

Aniya, ang mga pulis na may kasong may kinalaman sa ilegal na droga ay mahaharap pa sa mas matinding parusa.

Sinabi ni Gamboa, suportado niya ang lahat ng magandang gawain ng bawat pulis subalit  kung ito ay nakakasira sa imahe ng PNP ay hindi siya magdadalawang-isip na sibakin ang mga ito.

Kaya naman paalala ni Gamboa sa mga pulis, huwag na huwag masasangkot sa anumang katiwalian.

Giit nito, nanumpa ang mga pulis na panatilihin ang kapayapaan sa bansa at protektahan ang mga Filipino at hindi para sa pam-personal na adhikain.

Sa ngayon tiniyak ni Gamboa na sa kanyang panunungkulan bilang PNP Chief ay mas pai-igtingin niya ang PNP internal cleansing program. REA SARMIENTO

Comments are closed.