3 SIMPLENG BAGAY NA DAPAT GAWIN PARA MAGTAGAL ANG EMPLEYADO

homer nievera

ANG mga problema ng isang CEO o nasa management ng isang lumaking kompanya ay madalas nasasawata ng mga simpleng gawain. Ang pagiging masaya o pagiging kontento ng mga empleyado ay malaking bagay para umayos ang takbo ng negosyo mo.

Narito ang tatlong simpleng bagay na maaari mong gawin kaagad:

Training at Edukasyon

Halos lahat ng empleyado ay nais matuto ng bagong kaalaman na magpapataas ng kanilang estado o karera. Ang pagkakaroon ng mga training ay simpleng paraan na kayang maibigay ng management. ‘Di mo naman kailangang magkaroon ng training manager para magawa ito. Marami namang mga training event na puwede mong ipadala ang mga empleyado. Mula isang buong araw hanggang tatlong araw ang mga ganitong learning event. Hanapin ang makatutulong sa empleyado gaya ng magpapataas ng kaalaman  sa kanya o magbibigay ng mas mataas na antas ng kaalaman.

May mga mas malalaking kompanya naman na nag-sponsor ng master’s degree o certification ng isang empleyado. Maaari mo rin itong gawin. Med­yo may kamahalan pero siguradong sulit.

Huwag mo lang kalimutang itali ang empleyado sa ilang taon na katumbas ng halaga ng mga training.

Benepisyo

Depende sa laki ng isang kompanya, ga­wing maayos ang mga benepisyo para sa kanila. Bukod sa HMO, may mga benepisyong walang katumbas na halaga gaya ng birthday leave, leave, 4-day work week, once a week work from home at iba pa.

Mainam din ang group o individual performance incentives na nakatali sa gawain ng mga empleyado.

Puwede mo ring pag-aralan ang profit-sharing.

Papuri

Kung ano pa ang pinakamadaling gawin nang walang katumbas na halaga, ay siya pang madalas na ring ginagawa – papuri sa em­pleyado. Lalo na ‘yung mga boss na mahilig manigaw kaysa magbigay ng mga magagandang payo o papuri.

Kung ilalaan mo ang oras mo sa paghanap ng mabuting ginawa ng empleyado kaysa  kabaligtaran, mas magiging positibo at progresibo ang iyong organisasyon.

Siyempre, ‘wag mag­pupuri kung ‘di naman karapat-dapat. Kailangang may impact ang nagawa ng isang empleyado kung pupurihin siya. Pagsumikapan ang larangang ito at tiyak ang paglago ng negosyo mo!

oOo

Si Homer Nievera ay isang digital transformator at founder ng Negosentro.com na tumutulong palawigin ang kaalaman sa internet at teknolohiya para maiangat ang kabuhayan ng mga Filipino. Kung may katanungan, magpadala ng mensahe sa [email protected] o ha­napin siya sa Facebook.com/thepositivevibespage.

Comments are closed.