3 SUNDALO, 1 PA PATAY SA PAMAMARIL

LANAO DEL NORTE-TATLONG sundalo at isang sibilyan ang nasawi sa naganap na pamamaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa lalawigang ito nitong Huwebes ng umaga.

Ayon sa Western Mindanao Command (WESTMINCOM) commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr., naganap ang shooting incident bandang alas-8:45 ng umaga sa dulo ng Poona Piagapo at Pantao Ragat sa Lanao del Norte.

“Troops immediately responded and proceeded to the area to validate the information. Upon arrival, the responding team discovered 4 dead bodies with gunshot wounds,” ani Vinluan.

Kinilala ang tatlong tauhan ng Philippine Army mula sa 43rd Mechanized Company sa ilalim ng 4th Mechanized Infantry Battalion na naka base sa Tangclao Detachment, Poona Piagapo.

Sa impormasyong ibinahagi ni Lt. Col. Domingo Dulay, commander ng 4th Mechanized Infantry Battalion, sakay ng motorsiklo ang tatlong sundalo nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin.

Ayon kay 2nd Mechanized Infantry Brigade Commander Brig. Gen. Facundo Palafox , kasalukuyan silang nakikipag ugnayan sa iba pang security forces ng pamahalaan upang kilalanin at tugisin ang mga responsable sa krimen. VERLIN RUIZ

Comments are closed.