MAINIT na mainit ngayon ang isyu hinggil sa trade sa pagitan ng TNT KaTropa at ng NLEX Road Warriors. Ngunit dahil sister teams sila ay hindi puwedeng direct ang palitan. Tsika namin, kasama rito ang team ng Blackwater Bossing. Ang trade ay mula kay Kiefer Ravena ng NLEX kapalit ni Jason Castro ng TNT. Knowing na si Bong Ravena ay father ni Kiefer na posibleng asst. coach na ng team. Si Alex Compton ang matunog na smagiging head coach ng KaTropa. Ang tanong, sino kayang player ng Blackwater ang ibibigay. Let’s wait and see kung magkakaroon ng katotohanan ang balitang ito.
o0o
Ang Alaska Aces ngayon ay magbi-build ng nga batang player. Kaya nga raw ba handa nilang bitiwan sina Ajyvee Casio at Vic Manuel? Maraming nagkakainteres sa kalibre ni Manuel, una rito ang grupo ng SMC, isa na rito ang Brgy Ginebra. Minsan nang naging player ni coach Tim Cone sa Gilas Pilipinas ang tubong Gimba Nueva Ecija. Humanga si Cone kay Manuel sa ipinakita nitong gilas sa national team. Hindi lamang ang Gin Kings ang nagkakainterest na kunin siya kundi pati ang TNT KaTropa. Mataas pa ang value ni Vic kaya kung iti-trade siya ng Aces, dapat na pakawalan na nila agad ito.
o0o
Inamin ni Brazil Olympian at 30th SEAG silver medalist Mary Joy Tabal na dumanas siya ng pag-aalala ngayong pandemya dahil sa pagkakaantala ng kanyang mga plano sa pagti-training para sa isa pang qualifying stint na magiging daan para sa kanyang Olympic dream sa Tokyo sa 2021.
Ikinuwento niya sa kanyang pagbisita sa TOPS Usapang Sports On Air noong Huwebes ang naramdaman niya sa biglaang pagbabawal na lumabas
“Iyong bawal na lumabas, parang ang hirap, nagka-anxiety ako kasi ang sport natin ay outdoor, kaya nagtiyaga na lang ako sa bahay na magpakondisyon ng katawan. Mayroon namang lugar doon sa tabi namin na uphills stair at doon ako nag-eensayo. Iyong mga core exercise, iyon na lang ang ginagawa ko.” aniya.
Bagaman mahigpit pa rin ang Cebu City dahil sa lockdown kung saan siya nakabase sa ngayon ay ikinatuwa niyang nabigyan siya ng espesyal na quarantine pass ng POC at IATF upang makapagpatuloy sa ensayo sa labas ng tahanan.
Hindi natuloy si Tabal na sumabak sa Seoul Marathon 2020 noong Pebrero dahil kinansela ito bunga ng pandemya, gayundin ang Standard Chartered marathon at ang Scotiabank Ottawa Marathon noong Mayo na pawang magiging tuntungan niya patungong Tokyo Olympics.
Sa sandaling makasabak siya sa qualifying ay gagawin niya ang lahat para makapasok sa Olympics. May running time siya na 2:43:29 sa Ottawa noong 2016 at nag-124th place noong Rio Olympics.
Comments are closed.