NAGHAHANAP ka ba ng maiksing English course? Gusto mo bang magpalalim ng pag-aaral ng wikang Ingles at mga paksang kaugnay dito? Kailangan mo ba ng dagdag na kaalaman na maaaring magamit sa trabaho?
Ngayon, puwede mo nang gawin ito online! Dahil ang Department of English and Comparative Literature sa University of the Philippines ay mayroong intensive English classes para sa mga Pilipino. Ang 30 oras na Intensive English Program (IEP) ay isasagawa online at gagawin sa loob ng limang Sabado simula Oktubre 12, 2024 (9:00-12:00 PM, 1:00-4:00 PM).
Maraming praktikal na paksa na maaaring matutunan at mai-apply sa iba’t ibang trabaho o industriya. Kabilang sa mga paksang tatalakayin sa IEP ay ang mga sumusunod: grammar review, gender-fair writing, writing effective sentences and paragraphs, doing basic research, evaluating and writing proposals, writing letters and memos, at evaluating and writing reports.
Abot-kaya ang presyo ng kursong ito. Ang bayad para sa 30 oras na kurso ay P4,900.00, na maaaring bayaran sa Land Bank of the Philippines. Ang mga estudyante ay bibigyan din ng sertipiko ng pagdalo kung makakakumpleto sila ng hindi bababa sa 24 na oras ng pagsasanay.
Kung interesado ay magpatala na bago magsimula ang klase. Para sa mga katanungan, mangyaring mag-email kay G. Mark Angelo Francisco sa [email protected] gamit ang subject heading na IEP Oct2024 Inquiry/Enrollment (Apelyido, Pangalan). Maaari ring magpadala ng mensahe sa numerong ito: 09209493489.