PARAÑAQUE CITY- NAKAALIS na ang 300 Chinese passenger na na-istranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan.
Una nang pinayagan ni Manila International Airport Authority (MIAA) na makaalis na ang mga ito nang sunduin ng foreign commercial flights papuntang Hongkong, China at Macau.
Ayon kay Immigration spokespersom Dana Sandoval, 120 ang kabuuang bilang ng Chinese ang nakaalis na.
Dagdag pa ni Sandoval sa kasalukuyag nakikipag-ugnayan ang kanilang opisina sa Chinese Embassy sa Maynila para sa karagdagan na tulong sa mga natitira pang Chinese dito sa bansa upang makauwi ang mga ito sa kanilang mga lugar.
Ayon naman kay Public Affairs Division chief Connie Bungag ng Manila International Airport Authority (MIAA) ipinag-utos ni MIAA General Manager Ed Monreal na bigyan ang bawat isang pasahero ng malasakit ,kit , kabilang dito ang biscuits, bottled water, hand sanitizer at wipes. FROI MORALLOS
Comments are closed.