300 ILLEGAL CHINESE IDE-DEPORT

Jaime Morente

IPINATAPON o ipina-deport na ng Bureau of Immigration pabalik sa kanilang mga bansa ang aabot sa 300 illegal Chinese nationals sa dalawang chartered flights sa Puerto Prin­cesa International Airport.

Pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente na ang mga ipinatapon ay bahagi  ng 329 na mga inaresto sa iba’t ibang hotels at mga establisimiyento sa isinagawang operasyon ng BI Intelligence agents at katulong dito ang Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM).

Ayon naman kay Fortunato Manahan, chief ng BI Intelligence Division, na ang nasabing mga dayuhan ay inaresto dahil sa “violating the conditions of their stay by working in the country without the necessary permits and visas.”

Idinagdag pa ni Manahan na kasabay sa mga ipinatapon ang pitong menor de edad.

“Upon determination of their age, they were ordered released.  Custody has been turned over to the Chinese Embassy, and they have also flown out today, bringing up the total number to 301.” paliwanag ni Manahan.

Kinansela na rin ng Chinese government ang passport ng 301 sa kanila at itinuturing na mga undocumented aliens.

Bago ang isinagawang pagpapatapon sa kanila ay inilagay ang grupo sa isang inn sa Puerto Prin­cesa na binabantayan ng BI at WESCOM agents.

Nagpaalala naman si Morente sa mga ilegal na dayuhan na nagtatago sa bansa at huwag pakakampante at kusa na lamang sumuko dahil puspusan na ang operasyon ng ahensya upang maaresto ang mga ito.

“We are targeting big companies who so blatantly disregard our laws by hiring improperly do­cumented foreign nationals,”  ayon kay  Morente.  “We welcome you to our country to do business as long as you comply with our laws.  If you fail to follow, we will deport you,” babala pa nito. PAUL ROLDAN

Comments are closed.