APRUBADO na ng World Bank ang $300-M na inuutang ng Filipinas para pon- dohan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Katumbas ito ng mahigit sa P15-B na inaasahang magbebenepisyo sa mahigit apat na milyong pamilyang Filipino, kabilang ang halos siyam na milyong bata.
Popondohan ng loan mula sa World Bank ang cash transfer sa loob ng dalawang taon.
Nakapaloob din dito ang programa para matugunan ang malnutrisyon sa mga batang mahihirap.
Una rito, pinagtibay ng Pangulong Rodrigo Duterte ang 4Ps sa pagsasabatas sa Republic Act No. 11310.
Bagama’t panahon pa ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ito ipinatupad, wala namang batas na nagpapatibay rito kaya puwede itong ihinto anumang oras na naisin ng pamahalaan.
“It will also provide technical assistance to the Philippine government to help strengthen implementation and impact, including more efficient payment systems, monitoring and evaluation, and family development sessions,” ayon sa World Bank.
Ang annual budget para sa 4Ps ay nasa $1.7 billion.
Ayon pa sa lender, ang karagdagang pondo mula sa World Bank ay sasakop sa 9% ng 4Ps budget hanggang Hunyo 2022.
“This additional financing shows the World Bank’s continuing commitment to the country’s social protection program as it grows with greater sophistication to tackle a broader array of development concerns, including child malnutrition,” pahayag ni Mara Warwick, World Bank country director para sa Brunei, Malaysia, Philippines at Thailand.
“Since 2008, the 4Ps has promoted safer birth deliveries and has improved poor children’s access to educational and health ser-vices. We are proud to support programs such as this that help millions of families overcome poverty,” dagdag pa ni Warwick.
Ayon sa World Bank 2018 Poverty Assessment, ipinatutupad sa 145 lungsod at 1,483 bayan sa Filipinas, ang 4Ps ay re-sponsable sa quarter ng total poverty reduction sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng active beneficiary households, 41% ay nagmula sa Luzon, 21% sa Visayas, at 38% sa Mindanao, kung saan ang pinakamalaking bilang ng benepisyaryo ay nagmumula sa Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao (BARMM).
Nasa 15% ng mga benepisyaryo ay miyembro ng indigenous communities.