300% PARKING FEE INCREASE NG NAIA KINONDENA NG CAR OWNERS

Kinondena ng  cars owners ang 300 percent increase sa parking fee na ipinapatupad ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) sa lahat ng parking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

 Unreasonable at unbearable aniya sa panig ng riding public ang sobrang pagtaas.

Sinasabing hindi rin ito dumaan sa public consultation bago ipatupad ang  hanggang leeg na increase sa parking fee sa mga paliparan.

“Ang parking space  ay pag-aari pa rin ng pamahalaan, at ang perang ang ginastos sa konstraksiyon ng mga parking space na ito ay mula sa kaban ng bayan,” pahayag ng car owners.

Wala aniya sa tamang panahon ang ipinatutupad na pagtaas ng bayad sa mga paradahan ng NAIA, bagkus asikasuhin muna ng NNIC ang improvements ng airport.

Hindi rin  aniya maaring maging basehan ang MIAA Admi­nistrative Order 1 series of 2024 at ang cabinet resolution no. 1 series of 2024, dahil ang MIAA ay walang taxing delegated power mula sa Kongreso o sa sangulo.

FROI MORALLOS