300,000 OFWs KAILANGAN SA JAPAN

JAPAN-PHILIPPINES

MANDALUYONG CITY – INANUNSIYO ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ng 300,000 foreign workers ang bansang Japan.

Kasama ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa maaaring mag-apply sa kanila.

Sa job bulletin na ipinadala ng Japan go­vernment sa Filipinas, ang mga manggagawang kanilang kailangan ay nasa linya ng health care, constructin at food services.

Bilang insentibo sa makakapasang applicant, magbibigay rin ang Japan ng type 1 at type 2 visa para sa Filipino workers sa Abril.

Ang type 1 visa ay magpapahintulot sa mga Filipino na magtrabaho sa Japan sa loob ng limang taon.

Habang ang type 2 visa ay tsansa naman para mag-apply ng residency status at sa kanilang pamilya.

Paglilinaw naman ng POEA, ang type 2 ay applicable sa mga highly skilled worker.   EUNICE C.

Comments are closed.