NASA halos 300,000 ang bilang ng mga bagong botante na nagparehistro para sa 2022 elections.
Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon, nasa 270,308 first-time voters ang nagpatala hanggang noong Oktubre 30, 2020.
Aminado si Guanzon na malayo pa ito sa target nilang tatlong milyong bagong botante para sa 2022 elections.
Hinimok ni Guanzon na tumulong ang publiko para mahikayat ang kabataan na magparehistro upang magkaroon sila ng pagkakataon na bumoto.
Maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Huwebes ng alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon sa Office of the Election Officer.
Comments are closed.