NASA 300,000 residente ng Parañaque City ang makakatanggap ng COVID-19 vaccine ngayong 2021 matapos maglaan ng P250 milyon ang lokal na pama-halaan.
Ayon kay Mayor Edwin Olivarez, direkta silang nakipagnegosasyon sa pharmaceutical company para sa gagawing pagbili ng vaccine na aprubado ng Food and Drugs Administration (FDA) sa sandaling maging available na ito anumang oras ngayong taon.
“Our funds are ready in case a vaccine for the dreaded disease is already in the country anytime soon,” paliwanag ni Olivarez.
Sa pahayag ni Olivarez, humingi na sila ng audience sa Janseen Pharmaceuticals Inc. ng Belgium ang kauna-unahang kompanya na nagsagawa ng clinical trial para sa COVID-19 vaccine sa bansa, upang payagan silang bumili ng aprubadong gamot.
Ang Janseen na pag-aari ng US firm na Johnson and Johnson ay isa sa tatlong pharmaceutical firm na may aplikasyon para clinical trial sa Pilipinas. May tanggapan ito sa Edison Avenue, Barangay Merville sa Paranaque.
Sinabi ni Olivares na una umanong bibigyan ng vaccine ang mga health worker, essential service worker, security at traffic personnel, partikular ang 59,000 senior citizen mula sa 16 barangay.
“We are targeting half of the city’s present population to be vaccinated as soon we are able to purchase doses of COVID-19 vaccines in 2021,” pahayag pa ni Oli-varez.
Sa pahayag naman ni City Treasurer Anthony Pulmano bukod sa P250M vaccination fund, may karagdagang P 1 bilyong ‘stand-by budget’ na plano nilang utangin sa Landbank of the Philippines.
“If the need arises, we are planning to loan P1 billion additional fund from Landbank for the vaccination program of the city government which at the same time help the national government in shouldering the budget for vaccination of majority of Filipinos,” ayon kay Pulmano.
Sinabi pa ni Pulamo na sa nakalipas na 5 taon ay wala umanong naging utang ang Parañaque sa anumang financial institutions makaraang mabayaran ang bilyong utang ng nakaraang administrasyon.
Sa report, nasa $25 kada tao o P1, 200 ang kailangan para sa kompletong vaccine dose kaya’t sapat na umano ang P250 milyon para sa 300,000 residente ng lungsod.
Bagaman hindi kabilang ang Parañaque sa may mataas na bilang ng kaso ng COVID-19 ay dapat umanong protektahan ang mga residente lalo na’t may banta ng bagong strain ng virus. MARIVIC FERNANDEZ
Comments are closed.