UMAABOT na sa 63,001 ang bilang ng coronavirus disease sa bansa matapos makapagtala ang Department of Health ng 1,841 mga bagong kaso araw ng Biyernes.
Sa nasabing bilang, 710 ang “fresh cases,” o ang mga resultang na-validate at nailabas sa loob ng tatlong araw habang 1,131 ang “late” cases. Nasa 39,593 naman mula sa kabuuang mga kaso ang active cases.
Pumalo ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa 21,748 dahil may 311 new recoveries ang nadagdag.
Nasa 1,660 na ang death toll nang madagdagan ng 17 pang pasyenteng nasawi kahapon.
Nananatiling ang Metro Manila, ang epicenter ng pandemya habang nananatiling nasa ilalim ito ng general community quarantine hanggang Hulyo 31.
Comments are closed.