319K TOTAL COVID-19 CASES NAITALA

DOH

NASA 319,330 ang  kabuuang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Kinumpirma ito  ng Department of Health (DOH) matapos madagdagan ng panibagong 2,674 na kaso.

Nasa 58,606  ang active cases sa ngayon.

May 459 naman ang bagong mga gumaling  kaya ang total recoveries ngayon ay 255,046 habang 62 naman ang pani-bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 5,678

Samantala, sa mga kaso naman sa abroad ay walang naitala ang Department of Foreign Affairs (DFA) na Filipino na panibagong binawian ng buhay.

Ang total deaths ay nananatili sa 793 habang lima  ang bagong kaso kaya ang total cases na ngayon ay 10,549.

Comments are closed.