(31K borrowers nabenepisyuhan) ZERO INTEREST LOAN SA BAYANIHAN 2

Ramon Lopez

NASA 31,409 borrowers ang nabenepisyuhan ng zero-interest loan na pinondohan ng Bayanihan to Heal as One Act, o ang Bayanihan 2, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship, sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na may kabuuang P4.79 billion ang inilatag na ng Small Business (SB) Corp. sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) na naapektuhan ng pandemya.

Hanggang noong July 6, sinabi ni Lopez na halos P4.57 billion halaga ng loans ang inaprubahan para sa 30,345 MSMEs sa ilaBayanihan CARES (Covid-19 Assistance to Restart Enterprises).

Sa ilallm ng CARES for Travel (Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood), sa pakikipagpartner sa Department of Tourism, inaprubahan ng SB Corp. ang 436 applications na nagkakahalaga ng P188  million.

Sinabi ni Lopez na kaunti lamang ang nanghiram sa tourism industry dahil maraming tourism establishments ang nag-aalangang mangutang habang sarado ang kanilang sektor.

“They are hesitant to borrow because there is no assured business income for them now to pay the loan,” dagdag ni Lopez.

Ito ay sa kabila ng CARES program na nagpapahintulot sa mas malaking halaga ng loan para sa tourism-related MSMEs.

Ayon kay Lopez, ang average  loan para sa tourism sector ay nasa P430,993.”

Samantala, umaasa ang kalihim na tataas ang budget na magagamit para sa CARES for Travel loan sa pagluluwag ng restrictions sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine.

Ang CARES program ay ipinagkakaloob din sa displaced overseas Filipino workers sa ilalim ng Bayanihan HEROES program.

Sa kasalukuyan ay nasa 628 OFWs na ang nakakuha ng loan approvals na nagkakahalaga ng P35.57 million. PNA

5 thoughts on “(31K borrowers nabenepisyuhan) ZERO INTEREST LOAN SA BAYANIHAN 2”

  1. 297904 236890The the next occasion I read a weblog, I really hope so it doesnt disappoint me about brussels. Come on, man, Yes, it was my option to read, but I just thought youd have some thing interesting to state. All I hear can be a great deal of whining about something which you could fix in the event you werent too busy searching for attention. 437249

Comments are closed.