32 TEAMS SASABAK SA NBTC

on the spot- pilipino mirror

MAGSISIMULA ngayong araw na ito ang NBTC  sa MOA Arena kung saan si coach Eric Altamirano ang program director ng naturang event na suportado ng Chooks to Go, Darlington-Exped Socks, EPSON,  Huawei, Freego, Gatorade, Go for Gold, SM, at Molten.

May 32 teams ang kalahok sa NBTC, sa pangunguna ng  UAAP season 81 champions NU Bullpups at NCAA season 94 champions Mapua Red Robins ni coach Randy Alcantara.

Ayon kay Bullpups head coach Golbin Monteverde, isang karangalan ang maging bahagi ng NBTC.  Ang Bullpus ang defending champion.

Ang NBTC Cebu champion South Western University at MMBL title-holder San Beda University ay kasali rin, gayundin ang  UAAP at NCAA runners-up Ateneo Blue Eaglets at LSGH Junior Blazers.

Ngayong taon ay may anim na  international teams ang kasali. Magbabalik si high flying Fil-Am Jalen Green. Si  Green ay kasalukuyang nangu­nguna sa  2020 class nito. Masasaksihan din ang mga koponan mula sa  Australia, New Zealand, Italy at Canada.

Sa mga basketball fanatic na nais manood, libre ang entrance sa MOA Arena.

oOo

May sumisibol ngayon na bata ala Kai Sotto ng Ateneo Eaglets. Ito ay si JP Papa, Grade 8 pa lang ang 6’8 player. At kaka-14 yrs. old lamang niya noong October 2018. Tulad ni Sotto ay tatangkad pa ito at mahahasa pa nang husto sa paglalaro ng basketball. Si Doc Ivy Bautista, ang asst. team man-ager ng Columbian Dyip, ang nanga­ngalaga sa bata. Ang ama ni Papa ay isang Italyano at Filipina naman ang kanyang ina na si Lilia Papa. Si JP ay nag- aaral sa Pasay Christian High School, at ipinanganak siya rito sa Filipinas. Pangarap ng bata na maging isang ganap na basketbolista. Sana ay may school o tumulong kay Papa para ma-develop ang paglalaro niya. Nakapaglaro na si JP sa Milo Best, pero ‘yung  laro sa school ay hindi pa. Kaya nga eager ang parents ng batang Fil-Italian na makahanap ng school na mapapasukan na mabibigyan siya ng scholarship. Good luck!.

oOo

Malayo na rin ang narating ni volleyball player Myla Pablo. Isa na siya sa  star palayers natin na pinakaaabangan kapag may laro ang PSL. Katuna-yan, kamakailan lang ay nag-shooting ito ng commercial. Very inspired si Ms. Pablo sa paglalaro ng volleyball kasi ay inlababo siya sa head coach ng NU women’s basketball team na si coach Patrick Aquino.

Comments are closed.