PARAÑAQUE CITY-DUMATING na sa bansa ang ikatlong chartered flight ng Philippine Airlines sakay ang 323 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Qatar na kabilang sa mga naapektuhan ng pandemic.
Sinabi ng Department t of Foreign Affairs (DFA), na 19 pang flights ang darating sa bansa ngayong buwan ng Hulyo na pawang mga Pinoy repatriates.
Nabatid, na apat sa naturang chartered flights ang lalapag sa Clark International Airport kada Biyernes.
Katuwang ng DFA sa repatriation efforts sa OFWS ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard, Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Health (DOH ) at Department of the Interior and Local Government (DILG). LIZA SORIANO/FROI MORALLOS
Comments are closed.