33 ILIGAL NA TUBO SA BORACAY NABUKING NG DENR

TATLO sa 33 iligal na tubo ang nadiskubreng  nagtatapon ng maru­ming tubig sa karagatan ng Boracay, ito ang pahayag ni Environment Secretary Roy Cimatu.

Agad itong tinutukan ng Mines and Geoscien­ces Bureau-DENR  gamit ang kanilang Ground Penetrating Radar (GPR) upang malaman kung saan nakakabit ang nasabing mga tubo.

Tatlo na ang binaklas ng DENR sa nasabing mga tubo habang ang 30 pa ay sinigurong tatanggalin ngayong linggong ito.

Ani Cimatu, uunahin nilang tanggalin ang mga iligal na tubo dahil hindi umano magiging kumpleto ang paglilinis sa Boracay kung may mga iligal na koneksiyon.

Hindi pa malinaw kung kakasuhan ng DENR ang mga establisimiyentong may kaugnayan sa nasabing mga iligal na tubo, o kung anuman ang gagawin sa mga residente at establisimiyentong sangkot dito, ngunit nangako si Cimatu na hindi niya palulusutin ang mga ito.

Gayunman, binigyang diin ng environment chief na biglang nawala ang mga dumadaloy na maruming tubig sa nasabing mga tubo nang magsimula nang maghukay ang kanilang grupo.

Ani Cimatu, titingnan din nila ang baybayin ng Bolabog beach upang malaman kung may mga iligal ding tubo rito.

Matatandaang pinayagan ng kapitan ng Barangay Balabag ang ilang residente na gumawa ng sarili nilang drainage pipes upang makaiwas sa baha.

Posible umanong sa dagat ito ikinonekta ng nasabing mga residente. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.